Una sa Balita

Chan sa diskarte ni Cone

SWAK

By
0 3,436

Swak agad si Jeff Chan sa sistema ni coach Tim Cone sa Ginebra, mala­king papel ang ginampanan sa 134-107 panalo ng Gin Kings kontra ­Columbian Dyip, Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa panalo ay umangat ang Gins, sa 4-5 ay kabuhol ang GlobalPort at Magnolia sa sixth-eighth spots ng PBA Commissioner’s Cup.

Hindi sa tatak niyang sniper sa labas nagpakitang-gilas si Chan, dumating sa Ginebra noon lang Lunes mula Phoenix. Mas nailabas niya ang ibang aspeto ng laro.

Sa loob ng 19 1/2 minutes ay 0-for-3 mula sa field si Chan, ang 4 points ay mula lahat sa free throw line. Nagbaba siya ng three rebounds at may two assists.

“‘Yung iba iniisip na pagpasok ko, shooter, scorer. Pero hindi,” ani Chan pagkatapos ng laro. “Matagal nang bini-build up ni coach ‘yung defense kaya mas nag-focus ako du’n and I think nagawa ko naman ‘yung part ko.”

Kahit nasa loob daw, dahil nakaka-isang praktis pa lang at hindi pa kabisado ang sistema, sinisigawan daw siya ng mga nasa bench kung saan pupuwesto. Kinakausap din daw siya nina LA Tenorio, Sol Mercado, pati si Japeth Aguilar.

“I thought he made a big impact early,” obserbasyon ni Cone sa kanyang bagong hugot. “It kinda settled us down and got us back into the game, not by his three-point shooting which everyone talks about, but being a smart veteran, making smart passes and playing under control.”