Una sa Balita

Chan, Quiñahan, Cruz nasa wish list ni Guiao

By
0 876

GUSTO rin sanang kunin ni coach Yeng Guiao sina Jeff Chan, JR Quinahan at Jericho Cruz para sa Philippine team na isasagupa sa Asian Games sa Indonesia ngayong buwan, pero sa iba’t ibang dahilan ay hindi natuloy ang tatlo.

Kung nagkataon, kumpleto sana ang ­reunion ni Guiao at ng mga dati niyang player sa Rain or Shine.

Elasto Painters core na ang napagdesisyunan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas at ng PBA na ipadala sa Asiad,­ si Guiao ang head coach at chief assistant niya si Caloy Garcia.

Si Garcia ang pu­malit sa puwesto ni Guiao sa Rain or Shine nang ­lumipat ito sa NLEX.

Kinuha ni Guiao sa PHL team si Paul Lee, ang kamador niya sa Rain or Shine nang magkampeon sa 2012 Governors’ at 2016 Commissioner’s Cups.

Magkakasama na muli sina Lee, Gabe Norwood, Beau Belga, Chris Tiu, Raymond Almazan, Maverick A­hanmisi at si Don Trollano na nasa TNT na.

Kumpleto na sana kung nakuha pa ni Guiao sina Cruz, Chan at Quinahan.

Pero may injury sa kamay si Cruz na nasa KaTropa na rin, nagla­laro sa Commissioner’s Cup Finals si Chan para sa Ginebra. Nawalan ng puwesto si Quinahan, hawak ni Guiao nga­yon sa NLEX, dahil may bigs na siya kina Asi Taulava ng Road Warriors din at San Miguel rookie Christian Standhardi­nger na isasagupa sa malalaki ng kalaban tulad ni Hamed ­Haddadi ng Iran.

“If you’re going to international competitions, you need good big men and buti na lang nasama si Poy Erram (Blackwater) at si Christian Standhardi­nger,” paliwanag ni Guiao. “Nandiyan naman si Beau, si Almazan, at nandiyan si Asi. I think we have enough quality big men to compete.”

Kukumpleto sa listahan sina James Yap na kapalitan ni Lee sa Magnolia, Stanley Pringle ng GlobalPort, at mga Gilas cadet Kobe Paras at Ricci Rivero.