Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Chan, Dela Cruz papana sa finals

0 61

NAGAWANG patamaan ng pareha nina Paul Dela Cruz at Jennifer Jjing Chan ang napakaliit na bullseye upang maitala ang come-from-behind na panalo at agawin ang silya sa kampeonato ng Compound Bow Mixed Team ng ginaganap na Archery completion sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi National Sport Training Center sa Vietnam.

Nagawang itala ng pareha nina Dela Cruz at Chan maipatama ang Perfect Last End upang patalsikin ang Thailand, 155-154, tungo sa pagtuntong sa gold medal match ng Mixed Team competition.

Isasagawa ang gold medal match sa Huwebes, Mayo 19.

Makakatapat nito ang Malaysia na nagwagi naman sa host na Vietnam, 154-152.

Unang pinataob ng Pilipinas ang Myanmar sa katulad din na paraan ng pagwawagi tungo sa 153-152 iskor upang umusad sa semifinals.

Ang panalo ay nagsiguro kina Dela Cruz at Chan ng tansong medalya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.