Una sa Balita

Championship puntirya nina Kahwi, George, LA Clippers

0 450

Key Players: Patrick Beverly, Paul George, Kawhi Leonard, Lou Williams, Ivica Zubac

Roster: Patrick Beverly, Lou Williams, Ivica Zubac, Donte Grantham, JaMychal Green, Montrezl Harrell, Rodney McGruder, Johnathan Motley, Patrick Patterson, Jerome Robinson, Landry Shamet, Derrick Walton Jr., Lou Williams, Ivica Zubac

Key Additions: Paul George, Kawhi Leonard, Maurice Harkless, Amir Coffey (undrafted), Terance Mann (draft), Mfiondu Kabengele (draft), B.J. Taylor (draft)

Head Coach: Doc Rivers

Rank: 8th

Last Season’s Record: 48-34

Playoffs: 1st Round (2-4) loss against Golden State Warriors

MAGANDA ang hinaharap ng Los Angeles Clippers sa paparating na 2019-2020 NBA season.

Bakit hindi?

Nakuha ng Clippers sina reigning Finals MVP Kawhi Leonard mula defending champs Toronto Raptors at si scoring machine Paul George mula sa Oklahoma City Thunder.

Sa nakalipas na season, pasok sa first round playoffs ang Clippers pero exit agad nang pataubin ng West champs Golden State Warriors, 4-2.

Ibang usapan ngayon, nasa kanila na si George at ang two-time champ na si Leonard.

Hindi papalampasin ng LA Clippers ang pag-asinta sa ‘Larry O’Brien Championship Trophy’ dahil pambala nila ang bagong saltang miyembrong si Kawhi matapos mag-free agent at pumirma ng 3-year deal sa Clippers sa halagang $103 million.

Nagtala si Leonard ng averages na 26.6 PPG, 3.3 APG at 7.4 RPG sa nagdaang season.

Alalay kina Leonard at George ang malupit na bumantay na gwardiya na si NBA All-Defensive 1st Team Patrick Beverly. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy