Una sa Balita

Championship pokus ni Victolero

By
0 233

KASAGSAGAN ng semifinals ng PBA Governors Cup, nag-birthday ang bunso ni Magnolia Pambansang Manok coach Chito Victolero.

Nitong Nov. 29 naman ay 43rd birthday ng tactician.

Pero dahil abala naman sa preparasyon sa finals laban sa Alaska, ipinagpaliban muna ni Victolero ang selebrasyon. Malamang, pag-isahin na lang nila.

At siyempre pa, mas masaya kapag nasungkit ang titulo ng season-ending conference sa best-of-seven showdown na sisiklab sa Dec. 5 sa MOA Arena.

“Hindi kami nakapag-ce­lebrate doon sa bunso ko dahil semifinals noon,” anang coach. “Eto naman sa akin, on hold pa din dahil abala nga sa preparation for the finals.”

Pangalawang biyahe ng Hotshots sa championship ngayong season pagkatapos noong Philippine Cup nang talunin ng San Miguel Beer sa limang laro lang.
Gigil bumawi ang team.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy