Una sa Balita

‘Chambe’ ni Alex tinalbugan ng ‘Tipints’

0 258

By Athena Yap

Dalawang araw pa lang nakalipas nang ilabas ng aktres na si Alex Gonzaga, na binansagang “queen jejemon,” humakot agad ng higit isang milyong viewing ang music video ng “Tipints” sa YouTube.

Bagong kinaaaliwan na naman ito ng sambayanan dahil nakaka-LSS (Last Song Syndrome) nga ito, ayon sa mga fan.

Tila nalamangan pa ng “Tipints” ni Alex ang nauna niyang hit song na “Chambe.”

Punong-puno ng kakulitan ang music video at makabuluhan din ang mga lyrics na binitawan dahil nakaka-relate daw ang mga fan, lalo na ang mga millennial.

Kabilang sa bumuo ng music video na iyon ay ang matalik na kaibigan ng aktres na si Fifth Solomon, dati niyang nakasama sa Big Brother house.

Kung mayroong “Ti­pints” na inilabas ngayon si Alex, inaabangan na ng mga fan ang susunod na pakulo nito dahil baka tungkol naman sa kanyang tatay na si Daddy Bonoy ang susunod nitong kanta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy