Una sa Balita

Challenge ng Cavs: Time management

0 25

Minsan, problema din ang isang team na punum-puno ng superstars. ‘Yung tipong walang itulak-kabigin kung sino ang starters na anumang gabi ay puwedeng manggaling pa sa bench.

Tulad ng star-studded Cleveland Cavaliers.

Nakapag-desisyon na si coach Tyronn Lue sa kanyang starting lineup  Derrick Rose, Dwyane Wade, LeBron James, Jae Crowder at Kevin­ Love. Sa tipo ni Lue, babalasahin niya ito sa kasagsagan ng regular season.

Mula power forward, balik sa center si Love  tulad ng puwesto niya noon sa Minnesota.

Dahil sa tibay ng pulso ni Love sa labas ng arc, mahahatak palabas ang depensa at bubuka ang atake para kina James at Rose, o kay Wade at Isaiah Thomas.

Nagpapagaling pa ng hip injury si Thomas, ina­asahang sa December pa makakalaro.

Sosolusyunan ni Lue kung paano hahati-hatiin ang playing time ng kanyang superstars.

Walang sapawan.