Una sa Balita

Chairman sa Batangas inambush

By
0 1,675

Sugatan ang ang isang barangay chairman matapos na ito ay tambangan ng riding-in-tandem suspect sa Padre Garcia, Batangas kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Barangay Chairman Andres Linatoc, ng Barangay Cawongan.

Sa inisyal na report ng Padre Garcia police, bandang alas-onse ng umaga, sakay ng kanyang Montero SUV ang biktima mula sa kanilang session sa municipal hall ng pagsapit sa Brgy. Poblacion ay hinarang ito ng mga suspek.

Agad pinagbabaril ng mga ito ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril samantalang agad isinugod sa ospital ang biktima.

Patuloy pa ang im­bestigasyon ng mga pulis at inaalam ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen.