Una sa Balita

Chairman Ramirez bibida sa PSA Forum

0 350

ESPESYAL ang talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes dahil sa panauhin si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na gaganapin sa Amelie Hotel-Manila.

Tatalakayin ni Ramirez, Chef De Mission ng Team Philippines, ang ginagawang paghahanda ng bansa sa pagho-host ng 30th Southeast Asian Games.

Makakasama ni Ramirez sa 10am session na handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay ang mga miyembro at opisyales ng newly-crowned PBA D-League Foundation Cup champion BRT Sumisip Basilan-St. Clare.

Inaanyayahan ang mga PSA member na dumalo sa session na mapapanood rin sa livestream via the PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at eere rin sa delayed basis over Radyo Pilipinas 2 mula 1-2pm at 6:30pm. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy