Una sa Balita

Chain smoker inatake habang nagmamaneho

By
0 179

Sa loob ng kanyang pinapasadang jeep binawian ng buhay ang isang 69-anyos na lolo matapos tuluyang atakihin sa puso sanhi ng pagiging “chain smoker”, kamakalawa ng umaga sa Paco, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Jona­than Bautista, imbes­tigador ng Manila Police District-homicide section (MPD-HS) ang biktimang si Gregorio Cabahug, huling nanirahan sa 2769 Edsa Street, Parañaque City.

Nabatid na dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ni Glen Bulatao, 29, cook, ang bangkay ng biktima sa loob ng ipinapasada niyang jeepney sa 1616 Benitez Street, Paco, Maynila, na ginawa na rin niyang tulugan.

Hihiram sana umano ng papel de liha si Bulatao sa biktima pero nagtaka nang hindi ito kumikilos at laking pagkagulat nang madiskubreng patay na ito.

Nalaman kay Francisco Bautista, operator ng pinapasadang jeepney ng biktima, na bago natagpuang patay ay dalawang araw nang idinadaing ng biktima ang pananakit ng kanyang dibdib.

Aminado naman si Francisco na bagamat hindi umiinom ng alak ay kilala namang chain smoker ang biktima, na posibleng dahilan umano ng pagkamatay nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy