Una sa Balita

ChaCha ayaw ng mga Pinoy — survey

By ,
0 126

Mayorya ng mga Pinoy ay ayaw na ipagalaw ang 1987 Constitution para amyendahan, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Sa isinagawang survey noong Hulyo 2-8, 2016 at nilahukan ng 1,200 respondents sa buong kapuluan, 44% ang ayaw sumayaw sa ChaCha o Charter change, 37% ang pabor habang 19% ang walang opinyon.

Hanggang kahapon ay iginigiit ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang mala­king katipiran kung idaraan sa Constituent Assembly (ConAss) ang ChaCha kontra Constitutional Convention (ConCon).

Pero nanindigan si Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon na wala sa kamay ng Pangulo ang pagpapasya kung sa paanong paraan aamiyendahan ang Saligang Batas.

“The mode of amending the Constitution, whether by ConAss or ConCon, is the sole prerogative of Congress,” diin ni Drilon.

Nagbabala rin si Sen. Panfilo Lacson na walang dudang aakyat sa Korte Suprema ang usaping ito kung ipipilit ang ConAss na paraan ng pagretoke sa Konstitusyon dahil ang mismong botohan  kung jointly o separately  oras na pag-isahin ang Kamara at Senado bilang ConAss ay hindi malinaw sa nakasaad na panuntunan.

“Ang nakikita ko, aabot at aabot sa SC, so lalong matatagalan,” ani Lacson.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy