Una sa Balita

Chabi Yo sasagpangin ang Tams

0 381

EEKISAN nina Soulemane Chabi Yo at Sto. Tomas Growling Tigers ang Far Eastern Tamaraws sa siklab ng UAAP season 82 men’s basketball tournament 2019 stepladder semifinals 1st knockout game ngayong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Wakasan ng No. 4 seed USTe ang kampanya ng No. 3 FEU simula sa alas-kuwatro nang hapon upang mairesbak ang Oktubre 13 2nd round elims 72-58 loss tapos makauna nitong Setyembre 28, ­83-71.

Ninitnitin ng Espanya-based dribblers ang ­80-74 win kontra Adamson Soaring Falcons nitong ­Oktubre 26 laban sa mga taga-Morayta na nasa three-game winning streak, kasama ang ­pinakahuling pagtuka sa UE Red Warriors nitong Oktubre 27, 82-58.

Related Posts

Pinamunuan ni Chabi Yo ang Tigers sa likod ng 16 points, 15 rebounds katuwang sina Mark Nonoy na umiskor ng 17 markers at Rhenz Abando na may 13 pts. sa pagtapos ng team sa elims sa 8-6 win-loss record, kabaraha ang kalaban pero nakaungos sa superior quotient.

“Mababa lang naman expectation namin. Sabi ko nu’ng press con, may nag-interview sa akin kung ano goal namin for this season. We won five games last season so kung manalo kami ng anim that’s an accomplishment already,” pahayag ni Aldin Ayo.

Giit ng UST coach, “At least ‘di ba may ­improvement because you’re talking about a young program here. Since we won eight, may tatlong ­naidadagdag, ok na ‘yun but of course we’re not gonna stop there because this is a competition. We’re going to strive.” (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy