Una sa Balita

Cha Eun Woo bumanat ng ‘Kathang Isip’

0 413

Buhay na buhay na ­naman ang puso ng mga ­K-Drama fan sa pagbisita ng 22-year-old lead star ng ‘Gangnam ­Beauty’ na si Cha Eun Woo para sa meet and greet sa New ­Frontier Theatre kamakailan.

Mainit na tinanggap ang ­aktor mula sa airport pa lang hanggang sa pag-apak nga nito sa entablado ng naturang Theatre.

Mas natunaw pa nga ang puso ng mga Filipino fan nang kumanta ito ng OPM song na ‘Kathang Isip’ ng Ben and Ben.

Ayon pa sa mga fan, r­amdam na ramdam nga raw ang bawat lyrics sa pagkanta ng Korean star na talagang ­ikinatuwa at ikinamangha ng mga Filipino fan.

Lalo nga rin na-inlove ang mga Pinoy fan sa pagkanta nito ng ‘Kathang Isip’, kuhang-kuha raw ang tamang pagbigkas ng mga salita o lyrics at iyong tono ng kanta.

Nagsimulang sumikat ang Korean actor noong 2014 nang mapabilang siya sa cast ng ‘My Brilliant Life’ na pinagbidahan naman ni Song Hye Kyo.

Naging bahagi rin si Cha Eun Woo sa grupong ‘Astro’ na binubuo ng 6 na ­miyembro sa ilalim ng ­entertainment ­company na Fantagio. ­(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy