Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cha-cha sasalang sa plenaryo ng Kamara

0 103

ARANGKADA na sa plenar­yo ng Kamara ngayon ang isinusulong na pag-amiyenda sa 1987 Constitution.

Sina House Committee on Constitutional Amendments chairperson at Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda at House Deputy Minority Leader Stella Luz Quimbo ang itinalagang sponsor ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 2.

Ayon kay Garbin marami ang nakapila na magtanong matapos ang sponsorship speeches.

Target ng Kamara na maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang RBH2 bago ang Holy Week break ng sesyon sa Marso 27.

Hindi gaya ng mga ordinaryong panukala na maaaring aprubahan sa pamamagitan ng simple majority, sinabi ni Garbin na kailangan ng 3/4 boto ng 300 o hindi bababa sa 225 boto para maipasa ang RBH 2.

Nakasaad sa panukala ang paglalagay ng katagang “otherwise provided by law” sa ilang probisyon para magkaroon ng laya ang Kongreso na amiyendahan ito kung kakailanganin. (Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.