Una sa Balita

Cha-Cha leche

By
0 644

Marahil naririnig niyo ngayon ang sigalot ng House of Representatives at ang Senate sa issue ng Charter Change. Ang House pinagpipilitan na Con-Ass habang ang Senado ay wala pang desisyon pero malamang ay Con-Con ang gusto.

Sa mga hindi nakakaintindi, ang Con-Ass ay ang pagbago ng ating Saligang Batas na ang gagawa ay ang ating mga congressman at senador mismo. Dati ko nang tinutulan ito dahil nga wala akong tiwala sa mga ito kasi may conflict of inte­rest ito dahil apektado sila sa kahihinatnan nito at mas lalo silang mahirapan gampanan ang pagawa ng batas. Ang Con-Con ang mas katanggap-tanggap na panukala kahit malaki ang gastos nito dahil sigurado tayo dito na hindi mahahaluan ng pansari­ling interes ang pagba­langkas ng ating Saligang Batas. Ayon pa nga kay CJ Puno, puwede rin ang hybrid Con-Con na parte ng miyembro ng Con-Con ay appointed ng Presidente.

Ito ang nakakatawa na nakakainis.

Simula pa nga lang ng usapin, tila dumidilim ang langit sa karamihan ng mga Filipino na bumoto kay PRD dahil sa mithiin nitong pedera­lismo dahil hindi na magkasundo ang lehislatura sa simula pa lang. At ang kalaban natin ay oras. Kung tatagal ito, mas lalong magiging malabo na mabago natin ang sistema.

Alam ko na napilitan ang Congress na talakayin ang Charter Change dahil lumalakas ang ugong ng RevGov. Kaso, hindi ito sapat na pag-usapan lang para mahimasmasan ang taong bayan. Malakas kasi ang pagdududa ko na pananabotahe ito sa totoong gusto ni PRD na pagbabago. Ang totoo, marami sa mga kasama ni PRD na malapit sa kaniya ang ayaw sa pe­deralismo pero dahil ito ang pangako ni PRD sa kampanya ay napipila­tan lang umayon para hindi maboljak ng taumbayan. Nu’ng nagsimulang mag-ingay ang RevGov at nakita ng mga ito ang mga pahaging ni PRD na tila nagbabadyang suporta sa pagbigay ng revolutionary powers sa kaniya, kailangan na nilang talakayin.

Kaso, kahit natalakay nga ito, makikita mong hindi pederalismo ang nasa isip nila. Term-extension ang priority. Sila pa rin. Interes nila.