Una sa Balita

Cha-cha buhay pa! Economic provision ilalarga ni Duterte

0 402

Sinukuan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang malakihang pagretoke ng Konstitusyon dahil sa kursunada na lamang niya na galawin ang ilang ‘economic provision’ nito.

Sa kanyang talum­pati sa peace assembly para itulak ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Cotabato City, ipinahiwatig ni Pangulong Duterte na hindi lahat, kundi ilang economic provisions ng 1987 Constitution ang gusto niyang ipa-amyenda.

“Much as we would like to change anything there. Pati ‘yung atin dito. We have been used to it. We are the people governed by elections and we elect leaders.

“The leaders must be the choice of the people. I am sure that with that — the fundamentals provided by the law and hopefully if we can amend the Constitution, not all, but a few of the economic provisions and some…” saad ng Pangulo.

Bitin naman ang naging pahayag ni Pa­ngu­long Duterte sa Charter change (Cha-cha) dahil sa gusto niyang ituon muna ang atensyon ng publiko sa BOL.

“Well, I do not want to discuss it with you now because ‘yun na ang sunod natin and hindi na ninyo problema ‘yun. Yours would just really be to ask for the law that will further enhance the governance of the Bangsamoro law,” ayon sa Pangulo.

Simula nang ma­upo sa puwesto noong 2016, itinutulak ng Pangulo ang Cha-cha upang makalipat sa federal form of govern­ment upang maka­tulong umano sa pag-asenso ng bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy