Una sa Balita

Cha-cha binaon sa SONA ni Duterte

0 338

ANG hindi pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation (SONA) tungkol sa pederalismo ay indikasyon na hindi na prayoridad ng administrasyon ang charter change (cha-cha).

“What’s more telling in the President’s speech is not what he said but what he did not say. That speaks volumes,” pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“For me, the non-inclusion of federalism indicates that the Cha-cha was laid to rest yesterday. The SONA became Cha-cha’s ‘final resting place,’” dagdag nito.

READ: Cayetano, niluklok bilang House Speaker

Sa post-SONA press conference ni Duterte, sinabi diumano ng Pangulo na hindi mangyayari ang cha-cha sa kanyang panahon.

“Hence, those who have plans to revive it this 18th Congress should better think twice. It will be an exercise in futility,” sabi ni Drilon.

Sa press conference matapos ang SONA, pinaliwanag ni Duterte kung bakit hindi nito isinama sa kanyang speech ang isyu ng cha-cha. Aniya,hindi ang SONA ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang pagbabago sa ilang probisyon ng Konstitusyon at mas mainam na gawin ito ng pribado.

Marami aniya ang reklamo, kumokontra at sumasang-ayon kahit sa isang probisyon lang ng Konstitusyon na nakakahilo kaya mas mabuting pag-usapan na muna ng pribado at iprisenta na lamang sa publiko kapag naayos na ang cha-cha.

READ: Solon hinarang, pinaglakad sa Batasan

“It is not the proper time to discussing it now. It’s better left in confe­rences that are not allowed to be open to the public. So better just talk among yourselves and present it to the public ano na, ‘yung package na—completed,” anang Pangulo.

Kasabay nito nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi pa nito isinusuko ang isinusulong na pederalismo na ipinangako sa mga lider sa Mindanao.

Ayon sa Pangulo, may mga bagay na hindi niya mabanggit sa ngayon at kailangan munang maging malinaw lalo na sa local at regional level.

“Federalism is good but there are certain things that you have to be very clear, dagdag ng Pangulo. (Dindo Matining/Aileen Taliping)

READ: Walang pilitan sa House Speaker

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy