CGMA susuyuin ni Duterte

By

Interesado pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng panibagong trabaho ang dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos itong sipain bilang deputy speaker ng mga kaalyado ng Pangulo sa Kamara.

Isa sa ikinukunsiderang posisyong para kay Arroyo ang pamumuno sa Constitutional Commission (ConCom) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isinusulong na federal system of government.

Umaasa ang Pangulo na tanggapin umano ito ni Arroyo.

Ito umano ang nakikitang posisyon na akma sa kapasidad at karanasan ni Arroyo bilang dating Pangulo at beteranong kasapi ng Philippine Congress.

“Maybe. Maybe. Maybe, baka ayaw rin niya eh. But maybe,”tugon ng Pangulo nang tanungin kung may posibilidad na tanggapin ni Arroyo ang iaalok nitong puwesto.

Naniniwala si Duterte na hindi tatanggapin ni Arroyo kung bibigyan ito ng puwesto sa ilalim ng kanyang superbisyon sa ehekutibo.

“I don’t think she will accept it. She cannot be working under a President when she was already a president.

That will be quite a tall order for her to do that. But representing the people of the district of her own province would be somehow acceptable to even everybody,” wika ng pangulo.


SHARE