Una sa Balita

CF URCC-BETS VI: Enumerables versus Lee

By
0 1,031

Magpapatuloy ang epikong salpukan sa pagitan ng Filipino at South Korean ring gladiator at ipipresenta ng Casino Filipino ang panibagong world-class mixed martial arts (MMA) para sa ika­anim na yugto ng Battle of Extreme Tournament of Superstars (BETS) series ngayon (Hunyo 15) sa CF Manila Bay sa Ermita, Manila.

Mapapasabak si local bet Rogelio Enumerables ng The Den MNL kontra sa astig at fan-favorite na si Do Gyeom Lee ng BK Wangho para sa nakalinyang Universal Realit­y Combat Championship lightweight match sa nakatakdang eight fight card, kung saan kaayuda ng URCC ang CF sa pamamagitan ng Live Artists Production­.

Magsisilbing co-main event, ang women’s strawweight clash sa pagitan ni Zairy Marian­o ng Camp Vallega at ka­babayang Anne Krystelle Sabadlab ng Mindanao State Ultimate Mixed Martial Arts.

Pangalawang salang pa lang para sa 27-anyos na si Enumerables sa kanyang pro fight buhat nang hablutin ang unanimous decision win kontra Renato Jabiniao sa PXC Laban event sa Cagayan De Oro noong 2016. Habang si Lee ay may matikas na 4-1-0 (win-loss-draw) record-ang kanyang huling panalo ay sa bisa ng submission win laban kay Jeorey Orai sa URCC 30 noong 2017.

“The fight card we present in every CF BETS event comprise of ring warriors who have trained really hard to give fight fans an action-packed and thrillin­g entertainment. Like the first five installments of this very interesting MMA series, CF BETS VI is guaranteed to be another heart-pounding fight episode that they will enjoy from start to finish,” lahad ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) assistant VP for Entertainment Bong Quintana.