Una sa Balita

CEU ninakawan ng Wangs

By
0 2

Umahon ang Wangs Couriers mula sa 10-puntos na pagkakaiwan sa dulo ng fourth para nakawan ng panalo ang CEU Scorpions 88-87 sa PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO gym sa Cubao kahapon.

Naiiwan ang Wangs 82-72 may 4 minutes pa sa laro nang magsimulang mag-rally.

Nakumpleto ang comeback ng Couriers nang kalmadong ibaon ni Jason Riley ang free throws sa dulo.

Sa final 11 seconds, nagkaroon pa ng tsansa ang CEU na bawiin ang panalo pero kabyos ang tira ni Rod Ebondo at nabutata ang follow-through ni Mark Cruz.

Nagpakawala ng 12 points sa fourth quarter si Michael Juico tungo sa team-high 26 points para sa Wangs, nagdagdag ng 12 si Timothy Habelito at may 11 si Christian De Chavez.

Buong larong binulabog ng double-teaming defense ng Couriers si Ebondo pero tumapos pa rin ng 27 points, 20 rebounds para sa CEU.