Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cesar umaming anak si Coco kay Sandra

0 299

Matalik na kaibigan ang turing ni Cesar Montano kay Dolly Anne Carvajal, ang anak ni Ate Luds, o Inday Badiday. Mahaba ang pinagsamahan nila, at wala talaga silang iwanan.

Anyway, marami ngang alam si Dolly kay Cesar, pero nagmahadera si Dolly Anne na isulat ang mga `yon, dahil mas umiiral ang pagiging magkaibigan nila, kesa sa pagiging journalist niya. Kay Dolly Anne, ang off-the-record ay off-the-record talaga.

Kaya naman noong maglabas si Miss Philippines Earth Sandra Seifert ng photo nina Cesar at ng 5-year-old old son na si Coco sa Instagram, si Dolly Anne talaga ang may karapatan na magsulat tungkol doon. Agad nga niyang tinanong sina Cesar at Sandra kung keri na isulat niya `yon.

“Will ask permission from Sandra, BFF. Pero ikaw lang ang may right to write about that,” sabi ni Cesar kay Dolly Anne, na kumpirmasyon na nga rin na mag-ama talaga sina Cesar at Coco.

Sabi nga ni Dolly Anne, matagal na niyang nakilala si Coco, at sa birthday `yon ni Cesar.

At chika ni Dolly Anne, hindi nagkukulang si Cesar sa pagbibigay obligasyon o suporta kay Coco, kahit hiwalay na sila ni Sandra. Magkatuwang daw sina Cesar at Sandra sa pagpapalaki kay Coco. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.