Una sa Balita

Cesar dinedma ang anak kay Sunshine

Angelina masama ang loob

By
0 1,317

Hindi man aminin ng 16-year-old daughter nina Sunshine Cruz at Cesar Montano, pero naramdaman mo ang tampo nito sa kanyang ama na ngayon ay may pinagdadaanan ­dahil sa isyu sa kanya bilang dating chief ng ­Tourism Promotions Board.

Ayon kay Angelina, nag-try nga raw siyang mag-reach out sa kanyang ama dahil kahit anuman ang mangyari ay ama pa rin niya ito at gusto niyang bigyan ito ng moral support.

Pagdating kasi sa relasyon nila sa magulang, hindi naman sila pinakikialaman ni Sunshine dahil gusto pa rin nitong ma-maintain ang maayos na relasyon nilang mag-aama.

‘Yun nga lang, inilantad ni Angelina na dedma ang aktor sa effort na kanyang ginawa.

Kumbaga, nakaya nitong tiisin ang anumang kagustuhan niyang mailagay pa rin sa tama ang kanilang pagsasama bilang anak at ama.

Hindi na niya nabanggit kung muli siyang sumubok, pero siguro nga, dala-dala niya ang hinanakit na ito sa kanyang dibdib.

Gayunpaman, sa kabila ng absence ng father figure, ay nasa tabi nila si Macky Mathay, ang current dyowa ni Sunshine, para gampanan nito ang papel na hindi magawa ng kanilang tunay na ama.

Pinasasalamatan niya talaga ito for being so supportive sa kanilang magkakapatid at tumayo na rin bilang haligi ng kanilang tahanan.

Of course, malaking bagay din sa kanya ang 101% na inilalaan sa kanila ng kanilang ina upang matupad ang kanilang mga pangarap na magkakapatid at mailagay sa tama ang kanilang kinabukasan.

Nagsisimula nang pasukin ni Angelina ang ­music industry at mukhang click naman ito sa mga bahaging ito.
Good luck, girl!