Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cesar binasura: Sunshine kinilala si Mathay bilang ‘ama’ ng 3 anak

0 233

Kanya-kanyang paandar ang mga Pinoy celebrity ngayong Father’s Day.

May mga nag-throwback ng larawan ng mga yumao nilang mga tatay. May mga nagposte ng mga kasabihan tungkol sa kabutihan ng mga ama.

Ang ibang misis naman ay ibinida talaga ang mga mister nila. Tulad nga ni Trina ay Carlo Aquino, na nagpapakita ng pagkagiliw ng aktor sa kanilang anak.

Ganun din si Iya Villania sa mister na si Drew Arellano, para ipangalandakan ang pagiging mapaglarong tatay nito sa kanilang mga anak.

Sa halip na si Cesar Montano, ang boyfriend na si Macky Mathay ang dineklara ni Sunshine Cruz na tumatayong ama sa kanyang mga anak.

Pinuri, pinasalamatan ni Sunshine si Macky sa suporta at malasakit nito sa kanyang mga anak na sina Sam, Isabel, Chesca.

“Greatest dad evah!” naman ang deskripsyon ni Judy Ann Santos sa asawang si Ryan Agoncillo.

Isinabay naman ni Heart Evangelista ang pagbati sa asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero ng ‘Happy Father’s day’ ang pagpu-promote niya ng isang brand ng cake.

Yes, punong-puno nga ng paandar ang mga artista para sa kanilang mga ama, at kanilang mga mister.

Ivana naiyak sa alak billboard

Senti si Ivana Alawi sa pagbahagi ng nararamdamang kaligayahan dulot ng mga pangarap niyang natupad. Binanggit niya na inasam lang niya noon ang lumabas sa telebisyon at magka-commercial, billboard.

“Dati nangangarap lang ako na makita ko sa sarili ko sa TV kahit extra lang masaya na ako. Ngayon nasa billboards and commercials na tayo. Salamat sa pagmamahal. Dreams really do come true! Pray and work hard. I believed in you,” sabi ni Ivana.

Ilan na mga tinutukoy ang tvc ad niya ay ang jewelry brand, beauty product, at alak. Naiyak nga si Ivana dahil sa alak na billboard niya.

Ai-Ai kumpleto na bakuna sa US

Puwede na ngang bumalik ng Pilipinas si Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, dahil kumpleto na ang covid-19 vaccine nila sa Amerika.

Nagposte si Ai Ai ng photo nila ni Gerald matapos ang bakunahan sa isang vaccine site sa California.

Well, good for Ai-Ai na dapat din talagang magkaroon ng proteksyon kontra virus, lalo na at may edad na rin siya at kailangan din niya sa trabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.