Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cervical cancer puwedeng tumalab sa pakikipag-sex

0 25

Isa ang cervical cancer na nagiging sakit ng isang babae bukod sa breast cancer at iba pa na kung hindi maagapang gamutin ay maaring maging sanhi ng kamatayan.

Nitong 2020, lumabas sa datos ng Global Cancer Observatory (GCO) ng World Health Organization (WHO), isa ang cervical cancer sa mga pinakamaraming naitatalang kaso sa mga kababaihan sa Pilipinas. Sa paliwanag ni obstetrician-gynecologist Dr. Renee Sicam, ng Pinoy MD, isa sa sintomas ng cervical cancer ang spotting o pagdurugo.

Nangunguna umano ang cervical cancer sa bansa dahil hindi lahat ng mga kababaihan ay may access sa screening upang maagapan ang naturang sakit.

Nabatid na isang virus na tinatawag na Human papillomavirus (HPV) ang sanhi ng cervical cancer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi ito namamana na kagaya ng ibang cancer.

Maari umanong mahawa ng HPV ang isang babae sa pamamagitan ng pagtatalik at pagdikit ng balat sa infected genitals o ari.

Sinabi ni Dr. Sicam na ilan sa mga paraan para malaman kung nahawahan ng HPV ang isang babae ang pap smear, pagsailalim sa HPV-DNA test, at visual inspection with acetic acid.

Pinayuhan ni Dr. Sicam ang mga kababaihan na magkaroon ng abstinence o pag-iwas sa pakikipagtalik, o kaya’y pagkakaroon lamang ng single partner. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.