Una sa Balita

Cerveza Rosas paparada sa PHILRACOM 4YO race

By
0 282

PITONG kabayo ang nominadong sasabak sa 2019 PHILRACOM ‘4-Year-Old & Above Local Stakes Race’ na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa April 14.

May distansyang 1,400 meters, nakalaan ang P300,000 para sa unang kabayong tatawid ng meta.

Kapag nailabas ang opisyal na line-up at kasali si Cerveza Rosas ay tiyak na siya ang markado sa nasabing karera na suportado ng Philippine Racing Commission.

Bukod kay Cerveza Rosas, ang ibang nominado ay sina Hot And Spicy, Lakan, Mandatum, Salt And Pepper, Smokin Saturday at Summer Romance.

Nakaraan lamang ay tumakbo si Smokin Saturday subalit nabigo ito matapos siyang talunin ng dehadong si Dinalupihan sa Group Race Merge (5-6).

Subalit ayon sa mga karerista­ na nakapanood ng laban ay halos nagtrangko lang si Smokin Saturday.

“Malaki panalo ni Smokin Saturday lalo na’t may tulin,” sabi ni Clarito San Juan, karerista na taga-Sta. Cruz.

May ibubulsa na P112, 500 ang owner ng second placer habang P62,500 at P25,000 ang iuuwi ng tersero at pang-apat na may-ari ng kabayong tatawid ng finish line.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More