Una sa Balita

Ceres bus tumagilid: 1 patay, 40 pasahero sugatan

0 183

Patay ang isang babae habang aabot sa 40 iba pa ang sugatan matapos tumagilid ang isang Ceres bus na puno ng pa­sahero kamakalawa nang hapon sa Bago City, Negros Occidental.

Kinilala ang nasa­wing pasahero na si Anna Mae Declaro, 28, residente ng Brgy. Ma-ao ng nasabing lungsod.

Habang dinala naman sa iba’t ibang pagamutan ang 40 iba pang mga pasahero ng naaksidenteng Ceres bus.

Samantala, pinipigil sa pulisya ang drayber ng bus na nakilalang si Aimer Paso, 28, nagtamo rin ito ng mga galos sa katawan.

Ayon kay Police Captain Reynaldo Severino, deputy chief of police ng Bago City Police Station, naganap ang insidente dakong ala-una nang hapon sa kahabaan ng Purok Kapayas, Brgy. Pacol ng nabatid na lungsod.

Napag-alaman na galing ng Bacolod City ang nasabing bus at patungo ito ng Bago City nang bigla umanong mawalan ng kontrol sa manibela at magpaekis- ekis ang takbo hanggang sa tumagilid ito.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy