Una sa Balita

Ceres bus aayuda sa mga atleta

0 289

NAGPAABOT ng tulong ang Ceres-Negros, Bacolod-based professio­nal football club, upang tulungan ang mga atleta at delegasyon sa transportasyon ng football teams na ­lalahok sa 30th Southeast Asian Games.

Nagpahiram ng 18 bus si Ceres-Negros FC owner Leo Rey Yanson, ­kasama ang Philippine Football Fede­ration (PFF), para sa mga national team.

Nitong Martes, ibinahagi ng PFF na mayroon nang permit mula Land Transportation Franchising and ­Regulatory Board (LTFRB) ang mga gagamiting bus.

Matatandaan na ilang mga ­transportation complaints ang naging isyu ng ilang mga bansa katulad ng Cambodia at Myanmar. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy