Una sa Balita

CEO todas sa pagsabog ng cellphone

0 2,284

Patay ang chief exe­cutive officer (CEO) ng Cradl­e Fund na si Nazri­n Hassan matapos sumabog ang isa sa smartphone na naka-charg­e sa kanyang silid-tulugan sa Malaysia.

Sa ulat ng mobile and technology news BGR, tinamaan ng shrapnel si Hassan mula sa sumabog na mobile phone habang nakahiga sa kama at nawalan na ito ng malay hanggang sa masunog ang kuwarto noong Hunyo 14.

Nagdulot ng ‘blunt trauma’ sa likod ng ulo ng biktima ang pagsabog ng cellphone, pero ang usok mula sa nasunog na kuwarto ang posibleng ikinamatay umano nito.

Abante Hiring – IT dep

“He has two phones, one Blackberry and a Huawei. We don’t know which one exploded. Who would have thought such an innocuous routine procedure is the reason three young kids will grow up without their father by their side,” pahayag ng bayaw ni Hassan sa social media.

Ang Cradle Fund ay isang kompanya ng Ministry of Finance ng Malaysia na siyang tumutulong sa mga tech entrepreneur at startup, at siyang tumulong noong nag-uumpisa pa lang ang ride-hailing app Grab at fintech startup iMoney.