Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Centro Escolar-Lucio Tan pinagmulta ng PSE

0 161

Pinatawan ng multa ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang Centro Escolar University (CEU) ng bilyonaryong si Lucio Tan dahil hindi nito isinumite ang Annual Report para sa taong 2019 sa extended deadline na September 12, 2020.

Nabatid na humiling umano ang CEU ng palugit sa pagsusumite ng 2019 Annual Report nito dahil sa mga limitasyong dala ng COVID-19 at ng lockdown na ginawa para maawat ang pagkalat nito.

Sabi ng CEU, nagkaroon din ito ng mga limitasyon sa operasyon dahil sa advisory ng Commission in Higher Education (CHED) kayat hinigpitan ang operasyon ng Ppamantasan.

SM food to go Banner Ad

Ngayon pa lamang makababawi ang mga kolehiyo dahil halos walang mga freshmen na nag-enroll sa nakaraang dalawang taon nang lumipat sa K to 12 ang sistema ng Department of Education.

Maraming mga mag-aaral ang nag-aalinlangang pumasok muli at pati mga guro ay nangangapa sa adjustment patungo sa online learning.

Noong school year 2017-2018, nasa 12,000 lamang ang enrollment ng CEU, mas mababa ng 26% kumpara sa enrollment noong 2016-2017 na sinisi nito sa K to 12 program dahil wala silang mga first at second year student para sa school year na iyon. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.