Una sa Balita

Central Visayas top 1 sa dami ng dengue case

By
0 273

NANGUNA ang Central Visayas sa mga rehiyon sa bansa na tinututukan ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue.

Umabot sa halos 5,000 kaso ang naitala sa nasabing rehiyon, na may 32 nasawi. Sinundan ito ng National Capital Region na may 4,600 kaso, 17 ang binawian ng buhay; at 4,500 kaso sa Calabarzon na may 15 namatay.

Kasabay nito, inilagay na sa epidemic level ang mga nabanggit na rehiyon dahil sa mga nagpopositibo sa naturang sakit.

Sa datos ng ahensiya, sa kabuuan mula Enero hanggang Marso 2019 ay 167 na ang nasawi sa dengue, mas mataas kumpara sa 134 lamang noong nakalipas na taon sa parehong panahon.

Ayon pa sa DOH, malaki ang itinaas ng mga dengue case sa Cagayan Valley, Mimaropa, Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy