Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Central Visayas, NCR paramihan ng patay sa COVID

0 306

Patuloy ang paglobo ng kaso ng coronavirus sa bansa matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 56,259 nagpositibo nitong Linggo, Hulyo 12.

Mula sa dating record na 54,222 nitong Hulyo 11 o mas mataas na 2,124 nitong Linggo.

Sa 2,124 nadagdag na kaso, 918 ang fresh cases habang 469 ang late cases.

Gayundin ay nakapagtala ang DOH ng karagdagang 162 nasawi dahilan para umabot na sa 1,534 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Vergeire na hindi namatay ang nabanggit na bilang ng isang araw lamang. Dumami lang ang bilang dahil late nang pumasok sa kanilang data.

Ang mga ito ay namatay noong Abril (1), Mayo (20) at Hunyo (90).

“Ayon sa ating datos, out of 162 (deaths), 51 lang ang nangyari nitong July. The rest of yesterday’s reported deaths nagmula sa June, karamihan with 90 or 56%, sa buwan ng Mayo, with 20 or 12%, at sa Abril, kung saan nakapagtala tayo ng isang bilang at 1%,” ayon kay Vergeire sa press briefing.

Iniulat rin ni Vergeire na ang 99 o 61% ng mga namatay ay nagmula sa Region 7 o Central Visayas; 37 o 23% ang mula sa National Capital Region (NCR).

Anim o 4% naman ang mula sa Region 3; tatlo o 2% mula sa Region 4A; dalawa o 1% sa Region 8; dalawa o 1% sa Region 9 at isa o .62% sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nillinaw rin ni Vergeire na pababa pa rin ang trend ng COVID-19 deaths sa bansa ngunit hindi aniya dahilan ito upang hindi mabahala, dapat pa rin aniya ang masusing pag-iingat para makaiwas na mahawa ng karamdaman.

Kaugnay nito umabot naman sa 2,009 ang bagong recoveries kaya umabot na sa 16,046 ang gumaling sa sakit.

Ayon kay Vergeire ang mataas na bilang ng kaso, nasawi at recoveries ng sakit ay dahil sa reconciliation efforts ng DOH katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Nagpaliwanag din ang DOH at hindi nakapagpalabas ng update sa COVID19 noong Linggo dahil sa malaking volume ng data na pumasok sa kanila mula sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.