Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Central Visayas nakapagtala na ng 16K virus case

0 391

Umabot na sa 16,149 ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Central Visayas ayon sa tala ng Department of Health (DOH-7).

Nadagdag dito ang 221 kaso noong Hulyo 30. Sa nasabi pang bilang 8,966 ang mula sa Cebu City, na tinuturing na episentro ng outbreak sa rehiyon. Sumunod sa may pinakamaraming bilang ang Mandanue City na may 1,927 kaso.

Nasa 8,560 naman ang gumaling ayon pa sa DOH-7. Ang Siquijoe ang tanging lugar sa rehiyon na nananatiling zero case sa COVID-19.

Samantala, kahapon inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasailalim na sa general community quarantine ang Cebu City simula ngayong araw Agosto 1. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.