Una sa Balita

Central Visayas: 29 tumba sa dengue

0 330

UMABOT na sa 29 katao ang nasawi sa dengue mula sa naitalang 4,089 dengue cases sa Central Visayas habang pangalawa sa may pinakamataas na kaso ang Caraga Region na 3,878 at 3,821 ang naitalang kaso sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa report ng Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Pebrero 23 ay umabot na sa 36,664 ang bilang ng dengue cases sa bansa kung saan 140 katao na ang nasawi at nasa 26% na karamihan ay mga bata na nasa lima hanggang siyam na taong gulang.

Sa datos ng Epidemiology Bureau ng DOH, mas mataas ang bilang ng dengue cases noong 2018 na mayroong 4,003 kumpara sa 3,821 sa NCR.

Nabatid na lagpas na sa epidemic threshold ang kaso ng dengue sa Cagayan Valley, Mimaropa, Cordillera Administrative Region at Caraga habang lagpas na rin sa alert threshold ang kaso ng sakit sa Bicol, Western Visayas at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy