Una sa Balita

Central Luzon PNP nakaalerto sa transport strike

By
0 6

Itinaas kahapon sa full alert status ang buong puwersa ng kapulisan sa Central Luzon dahil sa nakatakdang 11th ASEAN Defense Ministers Meeting (ADMM) at transport strike sa Lunes at Martes na paparalisa sa mga lansangan sa rehiyon.

Nagpalabas ng direktiba si P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng Police Regional Office 3 (PRO3) upang ilagay sa full alert status ang rehiyon simula kahapon dahil sa ADMM na nakatakda sa Oktubre 24-25 na gaganapin sa Clark Field, Pampanga at kilos-protesta sa Oktubre 15 at 16.

Habang lumalapit ang ADMM, nakatakda nang ipakalat ang Philippine National Police (PNP) personnel sa summit venues at lugar kung saan ang mga delegado ay mananatili upang matiyak ang kanilang kaligtasan at seguridad.