Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Central Luzon, Calabarzon COVID case sumirit; NCR bumagal

0 162

Inihayag ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) na mabagal ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) pero patuloy namang bumababa.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, director ng Epidemiology Bureau, ang nakapagko-contribute ng mas maraming kaso ngayon ay ang Central Luzon at Calabarzon.

Sinabi ni de Guzman, kung pagbabatayan ang two weeks growth rate ng COVID-19 infections sa bansa ay bumaba na ito sa -9% nitong nakaraang isa hanggang dalawang linggo kumpara sa 15% sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.

Gayunman, may ilang lungsod sa NCR ang nananatiling nasa high risk dahil sa mataas na daily attack rate, ito ay ang Pateros, Makati at San Juan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.