Una sa Balita

Centeno, Yulo, Sotto bida sa Siklab Awards

By
0 691

PANGUNGUNAHAN nina cue artist Chezka Centeno, gymnast Carlos Edriel Yulo at cager Kai Sotto ang 50 kabataang nagtagumpay sa lara­ngan ng sports na pararangalan sa unang Phoenix Siklab Youth Sports Awards 2018 sa Miyerkoles, Hun­yo 27 simula sa alas-singko nang hapon sa Century Park Hotel sa Malate, Manila.

Gagawaran ang mga kikilalaning Phi­lippine Olympic Committee Young Heroes Awards trophies na kabibilangan din nina Kim Remolino ng triathlon, Rex Luis Krog ng cycling, Samantha Kyle Catantan ng fencing, Nicole Tagle ng archery, Maria Takahashi ng judo, Alex Eala ng tennis, Veruel Verdadero ng athletics at boxers Chriztian Pitt Laurente, Kenneth dela Pena at John Vincent Pangga.

Gayundin sina Mary Angeline Alcantara (taekwondo), Rafael Barreto (swimming), Angelo Kenzo Umali (bowling), Kaitlin De Guzman (gymnastics), Bea Hernandez (bow­ling), Sarah Joy Barredo (badminton), Allaney Jia Doroy (chess), Ghen-Yan Cruz (muay), Johnzenth Gajo (wushu), Alberto Lim, Jr. (tennis), John Paolo Rivero (weightlif­ting) at Bhay Newberry (swimming).

Naging Taiwan 2014 Asian billiard junior girls billiard champion ang nag-18-anyos nitong Pebrero at tubong Zamboanga City na si Centeno bukod pa sa naka-gold medal sa Indonesia 29th Southeast Asian Games 2017. Nakadalawang silver na ang kaka-18-taong-gulang ding Manileño na si Yulo sa World Cup sa Azerbaijan at Qatar sa taon lang na ito upang mapara­ngalan sa okasyong mga ­ihahatid ng Standard ­Insurance, Philta, ­Vernica, ­Philippine Bowling ­Federation, ­Veloci, Omila Sports Academy, Cignal at Digital Out of Home (DOOH).

Trangko naman si Sotto sa POC Super Kids awardees tapos angklahan ang bansa sa korona ng 4th Southeast Asian basketball ­Association U-16 Championship 2017 sa Quezon City noong isang taon at akayin sa pagpang-apat mga Pinoy sa 5th FIBA Asia U-16 Men’s Championship sa China nitong Abril upang ­mag-qualify sa 5th FIBA Under-17 World Cup 2018 sa ­Argentina sa Hun. 30-Hulyo 8.