Una sa Balita

‘Centennial award’ aamyendahan ni Magi

75 may makukuha ng benepisyo

By
0 90

Aamyendahan sa Kongreso ni dating Valenzuela City 2nd District Representative Atty. Magtanggol ‘Magi’ Gunigundo ang ‘Centennial Awards’. 

Sa ilalim ng ‘Centennial Awards’ na iniakda sa Kongreso ni Albay Representative Edcel Lagman, makakatanggap ng P100,000 financial assistance mula sa gobyerno ang sinumang senior citizen na aabot ng edad 100.

Pero may mga senior citizen na hindi kumporme sa ‘Centennial Awards’ at sa edad nito. 

Anila, bedridden na raw sila kapag nag-edad ng 100 at hindi na nila malalasap ang perang bigay ng gobyerno pag sapit ng ganung edad. 

Ang iba naman ay 80 lang puma­panaw na dahil sa pagkakaroon ng sakit tulad ng hypertension at diabetes. 

Kaya naman, kinausap nila si Cong. Magi na amyendahan sa Kongreso ang ‘Centennial Awards’ at baguhin ang edad nito. 

Ayon kay Cong. Magi, kapag nakaba­lik siya sa Kongeso, panukala niya na 75 pa lang ang edad ng senior citizen ay makakatangap na ito ng P25,000.

Kapag nag-edad ng 80 panibagong P25,000 sa kabuuang P50,000.

Panibagong P25,000 muli ang makukuha ng senior kapag nag-edad ito ng 95 at sa pagsapit ng 100 taon gulang makukuha ang isa pang P25,000 sa kabuuang P100,000.

“May katwiran naman yung mga senior, kasi yung iba naka-diaper na. Dapat hangga’t malakas pa sila matikman ng senior citizen yung benepisyo na para sa kanila,” sabi ni Cong. Magi. 

Sa mahigit na dalawang dekada bilang mambabatas ni Cong. Magi, 14 na kapakipakinabang na batas ang naipasa nito hindi katulad ng ibang Congressman na pagpapalit lang ng pangalan ng kalsada ang ginawa sa Kongreso.

Si Magi ay muling sasabak sa Mayo 2019 elections upang ipagpatuloy ang paghahatid ng mas mga kapaki-pakinabang na mga batas.