Una sa Balita

Cellphone number ni Sec pinagkalat ng appointee

0 496

Sumakit daw ang ulo ng isang miyembro ng gabinete matapos na bahain siya ng text at tawag sa cellphone matapos isapubliko ang kanyang number.

Kagagawan daw ito ng taklesang presidential appointee na pinaglaruan ang kawawang miyembro ng gabinete.

Aba’y kung ano-anong text daw ang natanggap ni secretary, bukod pa sa mga miscall na ayaw patulan ng opisyal.

Hindi naman makapalag ang cabinet member dahil sa pagiging malakas nito sa Palasyo.

Pintahan niyo na. Ang taklesa at adelantadang appointee ay minsan na ring naging kontrobersyal dahil sa mga kapalpakan nito sa tanggapang pinaglingkuran hanggang sa tuluyan na itong nagbitiw sa puwesto. O gets niyo na?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More