Una sa Balita

Cellphone ng napatay ng ‘Girl Friday’ ni NE Gov. Umali pipiliting buksan

By
0 2,459

NANAWAGAN ang pinuno ng Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO) sa pamilya ni Mary Anne ‘Meanne’ Guevarra-Hernandez, ang ‘Girl Friday’ ni Nueva Ecija Governor Czarina Umali, na hanapin ang box o kahon ng iPhone ng napatay noong Enero 14 para ma-retrieve ang mga messages na makakatulong sa murder case.

Ayon kay Police Sr. Supt. Eliseo Tanding, Nueva Ecija provincial director, dinala sa iPhone Philippines ang cellphone nito pero hindi mabuksan hangga’t wala ang kahon na nagtataglay sa solo features nito.

“Prepaid kasi at hindi postpaid, kaya’t bigo maging ang Anti-Cyber Crime Unit na mabuksan ito,” ani Tanding.

Abante Hiring – IT dep

Si Hernandez, 38, chief administrative officer ng Kapitolyo, residente ng Zone 6, Brgy. Pag-asa, Talavera, ay pinagbabaril sa isang gasolinahan sa Purok, Brgy. Marcos, Talavera, habang nasa loob ng AUV na minamaneho ng nasugatang mister na si Carlito Domingo Hernandez, kasama ang dalawang anak at tatlong kamag-anak.

Meron ng mga nakasuhan na sina Anastacio Geron Mapoy, 47, at Armando Antolin Geron alyas ‘Ulupong’, 26, at Reynaldo Nicolas Iglesias, 50, ng pawang residente ng Brgy. Tondod, San Jose City, at umaming pumapel umanong mga ‘look-out’ lamang.

Kumanta ang tatlo na inarkila lamang umano sila sa pagpatay kay Hernandez ng isang empleyado sa kapitolyo na kasalukuyang pinaghahanap.