Una sa Balita

Cellphone ng bisita kinumpiska ng politiko

0 771

MAY kakaibang gimik itong isang politiko sa mga bisita niya noong Pasko.

Bago kasi pumasok sa kanyang magarang bahay, kinukumpiska muna nito ang cellphone ng mga bi­sita.

Ayaw daw kasi niya sa mga bisita na nagte-text o tumatawag habang kaharap siya sa hapag-kainan.

In short, gusto niyang tuloy-tuloy ang usapan nila ng mga bisita dahil ayaw niyang may masa­yang na oras sa kanilang pagkikita.

Pero tingin ng ibang bisita, ayaw lang ng politiko na makunan ang loob ng kanyang bahay.

Ibinalik naman daw ang mga cellphone noong mag-uwian na ang mga bisita.
Pintahan niyo na. Ang politiko na kinumpiska ang cellphone ng mga bisita ay bihirang magpakita ngayon sa publiko. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More