Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cellphone bawal din sagutin sa MRT

0 341

Mahigpit na ipatutupad ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pagbabawal na magsalita sa loob at labas ng mga tren, maging sa mga istasyon, kabilang ang pagsagot sa nagri-ring na cellphone upang maiwasan ang pagkalat ng pinangangambahang Coronavirus disease (Covid-19).
Nilinaw Ng MRT-3 na iniiwasan lamang nila ang pagkalat ng
virus sa pamamagitan ng respiratory droplets na siyang pinagmumulan ng pagkakahawa.
Kasabay nito ay pagpapatupad din ang MRT ng paglilista sa impormasyon ng mga sasakay na pasahero upang magawa ang contact tracing bilang bahagi ng mahigpit na health protocols laban sa COVID-19.
Samantala, bumaba ang bilang ng mananakay ng MRT-3 matapos ang unang araw ng pagbabalik operasyon nitong Lunes.(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.