Una sa Balita

Cellphone ban sa Bureau of Corrections

By
0 1,314

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng pamunuan ng Bureau of ­Corrections (BuCor) ang pagdadala ng mga cellphone at ano pa mang gadget o communication devices ng lahat ng mga empleyado, opisyal at mga ­bisita sa loob ng pambansang piitan.

Ayon kay Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, nakatanggap ng report ang kanyang opisina na ilan sa mga personnel ng BuCor ang nagpapagamit ng kanilang cellphone sa ilang inmates kapalit ng pera.

“Pera ang katapat, baka malaking pera kaya nagpapahiram sila ng cellphone? Kaya simula ngayon wala nang cellphone na makikita sa loob ng mga opisina ng BuCor,” ito ang pagbabanta ng BuCor chief.

Dagdag pa ni Bato, tama na ang pagkukunsinte sa mga bilanggo at kaya marahil nagpapatuloy ang kanilang transaksyon sa labas ay dahil may komunikasyon pa sila.

Malaking parusa ang nakaamba para sa sinumang opisyal at empleyado ng BuCor na lalabag sa kanyang kautusan.