Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Celine Dion napanganga sa batang Pinoy singer

0 17

HUMANGA ang kilalang Canadian singer na si Celine Dion sa naging performance ng isang 10-anyos na lalaking Pinoy sa ‘America’s Got Talent’.
Inawit ni Peter Rosalita ang ‘All By Myself’ ni Celine, kung saan napatayo ang mga judge ng nasabing competition show na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara at Howie Mandel.
Umabot din kay Celine ang naturang version ni Peter ng kanyang kanta.
“Bravo! – Team Celine,” ang mababasa sa official Twitter account ni Dion kalakip ang tatlong clapping hands emoji.
Pasok si Peter, na sinilang sa United Arab Emirates, sa next round ng ika-16 season ng AGT matapos makakuha ng apat na ‘yes’ mula sa mga hurado. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.