Una sa Balita

Celeen pumalag sa ‘hiwalayan’ kay Billy

By
0 2,604

May mga netizen na nag-­react sa litrato ni Coleen Garcia na kuha pa sa USA dahil napansin nila na hindi nito suot ang kanyang wedding ring. Umandar na naman ang mga utak-talangka na kung ano-ano na naman ang inilalagay na malisya sa larawang yun.

Siyempre, ang isip ng iba ay baka may problema­ kaagad sa buhay mag-asawa nina Coleen at Billy Crawford.
Or baka raw, gusto uli nito na magbuhay-dalaga­ kaya ang isinusuot lang nila ay ang engagement ring sa kanya ni Billy.

Pero, sinopla agad ni Coleen ang isang tanong ng netizen kung bakit hindi nga niya suot ang kanilang wedding ring. Ayon sa kanya, may adjustment daw na ginagawa sa wedding ring kaya wala ito sa kanyang daliri habang nagpa-picture silang mag-asawa.

Anyway, enjoy naman sila sa kanilang bakasyon­ grande sa USA, pero walang balita kung ikinasal ba uli sila roon katulad nang unang nabanggit ni Billy sa interview na puwedeng magkaroon sila uli ng ceremony doon.

Wish din ng kanilang supporters na sana ay ­mabiyayaan na sila ng anak na made in USA.

Bongga nga,devah?