Una sa Balita

Celebrity nagkukumahog sa endorsement ni Mayor Sara

By
0 733

Sino daw itong showbiz personality ang panay ang dikit sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte?

Todo sipsip daw ang ginagawa ng biga­ting celebrity kay Mayor Sara, kaya’t napapaghalataang may ma­tinding pangangailangan sa presidential daughter.

Napag-alaman ni Mang Teban na humihirit daw itong bigating celebrity na iendorso sa darating na halalan ang kanyang kapatid.

Sinasamantala daw ng celebrity ang pagkakataon dahil last term na ng nakaupong mayor at posibleng ibang tao na ang patatakbuhin nito sa 2019 elections.

Kapag nagkataon, parang naka-jackpot ang kapatid ng celebrity dahil malaki-laki ang income ng siyudad na kanyang pagsisilbihan kapag nanalo sa halalan.

Pintahan nyo na. Ang bigating celebrity na todo sipsip sa presidential daughter ay minsang nagiging emosyonal sa kanyang asawa. May letrang S sa kanyang pangalan as in Senti.