Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Celebrity nabulok ilong sa retoke

0 80

Nagulantang ang mga fan ng isang Chinese star matapos niyang ibahagi ang mga shocking photo na resulta ng pagpapa-nose job niya.

Inilantad ni Gao Liu ang nangyari sa kanya upang mabalaan ang publiko sa panganib ng plastic surgery.

Ayon sa ulat, nagdesisyong magparetoke ng ilong si Liu upang mapalakas ang kanyang career.

Ilang buwang hindi nakita ng publiko ang singer-actress at sa social media platform na Sina Weibo ay ipinaliwanag niya ang dahilan ng kanyang pagkawala.

Binunyag niya na ang tip o dulo ng kanyang ilong ay nabulok matapos ang plastic surgery sa Guangzhou.

Ilang oras matapos ang operasyon ay nagising na lamang umano si Liu na nangingitim na ang tip ng kanyang ilong at paulit-ulit na naging infected. Dahil dito, dalawang buwan umano siyang naospital.

Hindi pa batid kung ano ang nangyari sa ilong ni Liu pero nahaharap na sa mga reklamo ang klinika na umopera sa kanya. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.