Una sa Balita

Celebrity Doctor Mendez inaresto sa rape

By ,
0 802

NAKAKULONG ngayon sa Mandaluyong police station ang celebrity doctor na si Joel Mendez matapos ihain ng warrant of arrest sa kasong rape.

Batay sa nakalap na report, inaresto si Mendez bandang alas-11:30 Huwebes nang gabi sa loob ng parking area ng BSA Twin Tower Basement parking Mandaluyong City matapos ang matagal na surveillance ng mga tauhan ng Intelligence Unit, Tactical Motorcycle Riders, WCPD and Mobile Patrol Unit ng Mandalu­yong police.

Inaresto si Mendez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Imelda Portes-Saulog ng RTC Branch 214 na may Criminal case # MC16-4800-FC para sa kasong attempted rape, Criminal case # MC-4801-FC at MC-16-4802FC sa isa pang rape case.

Kasalukuyang nakadetine si Mendez habang wala pang maibi­gay na impormasyon ang tanggapan ni P/S Supt. Moises O. Villa­ceran, Jr., hepe ng Mandaluyong police.

Halos dalawang taong nagtago si Mendez bago ito nasakote kamakalawa nang gabi.

Si Mendez na may-ari ng mga dermatology clinic sa Metro Manila ay kilalang cosmetic surgeon ng mga sikat na artistang nagpaparetoke.