Una sa Balita

CebuPac nag-alok ng libreng flight rebooking

0 312

Sa layong pumanatag ang kaisipan ng kanilang mga pasahero, nag alok ang Cebu Pacific ng libreng rebooking.

Ayon sa CebuPac, maari muling magpa-rebook ng libre ang kanilang mga pasahero na may kumpirmadong domestic at international flights mula Abril 15 hanggang sa Hunyo 30 ngayon taon.

Sakali umanong hindi na itutuloy ang kanilang biyahe, ang ibinayad sa pamasahe ay maaring ilagak bilang ‘travel fund’ na magagamit kung magpapa-book ng bagong biyahe sa loob ng isang taon.

Gayundin, maaring gamitin ng pasahero ang CEB Flexi, kung saan maari silang magpa-rebook ng dalawang beses ng libre ngunit depende na sa magiging pamasahe sa mapipili nilang bagong flight.

Humingi naman ng paumanhin ang CebuPac sa matagal na pagsagot sa mga tawag sa kanilang customer service dahil binabaha sila ng mga tawag mula sa mga pasahero. Siniguro naman ng CebuPac na muling magbabalik ang kanilang mga biyahe sa darating na Abril 15. (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More