Una sa Balita

CebuPac-Gokongwei website na-hack

0 216

MULI na namang tumira ang grupo ng Pinoy hackers na ginagamit ang pangalang Pinoy LulzSec kahapon at ang GetGo website naman ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei ang tinarget nito.

Ito ang grupo ng hackers na naghasik ng lagim sa government websites at nangalap ng nude photos sa Facebook nu’ng kanilang April Fool’s Day hacking ngayong taon.

Pinagmalaki pa ng grupo kahapon ng madaling-araw na may malaking data breach sa GetGo at Cebu Pacific at nagtweet pa ito sa National Privacy Commission at Cebu Pacific mismo. Halos 12 oras ang nakalipas bago sinagot ng Cebu Pacific Air ang tweet ng grupo.

Sabi ng National Privacy Commission, alas-11:37 nang umaga kahapon nag-email ang Cebu Pacific sa ahensiya para ipaalam ang unauthorized breach sa www.getgo.com.ph at sinabi ng data protection officer ng Cebu Pacific na si Randall Evangelista na inaalam pa kung ano at gaanong kalaki ang data breach.

Sa tweet ng Cebu Pacific Air sa hacker, inamin nitong nagkaroon ng unauthorized access sa isang GetGo application server subalit na-secure ng kompanya ang server at hindi sa server na na-hack naka store ang mga credit card information ng mga customer nito. Ang GetGo ang rewards program ng Cebu Pacific at ang mga points dito ang ginagamit para sa mga flights at iba pang regalo. Hiwalay ang website at database ng GetGo sa mismong CebuPacific.

Lahat ng GetGo channels, mapa-website o mobile app, ay mananatiling disabled habang iniim­bestigahan pa ng Cebu Pacific ang pangyayari.

Pansamantalang hindi pinapa-access sa Cebupacificair.com ang mga customer kung gagamitin nila ang kanilang GetGo credentials at ganoon din sa mobile app nito.

Sinabi ng Cebu Pacific na nag-abiso na ito sa National Privacy Commission at nakikipagtulu­ngan sila dito para sa imbestigasyon.

Sa isang statement, sinabi ng NPC na inutusan na ng ahensiya si Evangelista para timbangin kung kailangan nang abisuhan ang mga apektado sa data breach at bigyan ng payo kung ano ang maari nilang gawin para protektahan ang kanilang sarili.

Pinapupunta ng NPC si Evangelista sa tanggapan nito ngayong araw para magbigay ng ulat sa complaints and investigation team ng ahensiya. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy