Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CebuPac-Gokongwei nangutang ng P16B

0 171

Nakautang ang Cebu Pacific ng mga Gokongwei ng P16 bilyon sa anim na mga bangko kasama na ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines na pamahalaan ang nagpapatakbo.

Nagpasalamat si Cebu Pacific president at chief executive officer Lance Gokongwei sa tiwala ng mga bangko sa kanilang kompanya na tututukan na umano ngayon ang tinatawag nitong business transformation para mapababa pa ang gastusin at patuloy na makapag-alok ng murang pamasahe sa mga tao.

Nagawang makautang ng Cebu Pacific sa mga bangko na tila mga tikom ang palad.

Base datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nabawasan ang pautang ng mga bangko ng P209 bilyon nitong Enero kung ikukumpara sa mga pautang nito noong Disyembre dahil takot magpautang. Isa pang dahilan ay kumonti ang gustong mangutang.

SM food to go Banner Ad

Tinuring ng Cebu Pacific na makasaysayan o “landmark deal” ang pautang dahil sinuportahan ng mga bangko ang kompanya na pinadapa ng pandemya dulot ng COVID-19 kasama na ng buong industriya.

Sabi ni DBP president Emmanuel Herbosa, ang pagpapautang sa Cebu Pacific ay ayuda sa mahalagang sektor na tutulong sa pag-ahon ng ekonomiya sa pandemya. Tungkulin aniya ng DBP na suportahan ang transport at logistics sector dahil ito ang pangunahing infrastructure bank.

Ayon naman kay Landbank president at CEO Cecilia Borromeo, suportado nila ang pag-ahon ng aviation industry sa new normal at bahagi ito ng commitment ng bangko na pondohan ang pangangailangan ng mga mahalagang sektor para muling sumigla ang ekonomiya.

Kasama sa nagpautang ang Bank of the Philippine Islands, Asia United Bank, Metropolitan and Trust Company at Union Bank of the Philippines. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.